Mga solusyon sa hair loss, alamin sa 'Pinoy MD'
AUGUST 27, 2016 / 6 TO 7AM / SABADO
Lost Ka Ba sa Hair Loss?
_2016_08_26_12_52_56.jpg)
_2016_08_26_12_53_15.jpg)
Ang Laban ni Abby Kontra Alopecia
_2016_08_26_12_53_43.jpg)
_2016_08_26_12_53_30.jpg)
Apat na taong gulang pa lang ang singer-video blogger na si Abby Asistio ay mayroon na siyang genetic condition na kung tawagin ay alopecia areata, kung saan patse-patse ang pagkalagas ng buhok. Nalungkot daw si Abby noong una siyang na-diagnose pero paglipas ng panahon, nagpasya siyang ‘di siya papatalo sa kanyang sakit. May pag-asa pa nga ba para sa mga taong may alopecia areata? Anu-ano kaya ang mga ginawa ni Abby na maaari nating matutunan?
Healthy si Idol: Rey PJ Abellana
Matinee idol noon at magaling na drama actor ngayon—siya si Rey “PJ” Abellana. Para raw manatiling aktibo, ’di lang sa kanyang career kundi pati sa kanyang personal na buhay, mahalaga raw para kay Rey “PJ” na pangalagaan ang kanyang kalusugan from hair to foot! Sari-saring health tips mula mismo kay Rey PJ ang makukuha natin ngayong Sabado.
PMD’s Hair Treatment Tips
_2016_08_26_12_53_57.jpg)
_2016_08_26_12_54_09.jpg)
Sa pagpapalago ng buhok, importante na sa mapagkakatiwalaang mga eksperto lang magpakonsulta. Makatutulong din na huwag agad gagamit ng mga kemikal na may posibilidad na makapagpalala pa ng hairfall. Sa Saturday, ipakikita namin sa inyo ang mga hair treatment suggestions na rekomendado ng mga doktor.
Sa Sabado ng umaga, tampok ang mga tip kung paano niyo maggagawa na everyday… good hair day! Kasama si Connie at ang Mga Doktor ng Bayan, manood ng Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.