ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Benepisyo ng kape, tatalakayin sa 'Pinoy MD'


 

 

NOVEMBER 26, 2016  / SABADO / 6  AM

Nakagigising at masarap higupin.  Ang paboritong inumin sa umaga ng mga Pinoy, kape!  At talaga namang dapat lang, dahil marami raw itong benepisyo sa katawan.  Ano ang mga magandang maidudulot ng coffee para sa atin?   Alamin iyan sa Sabado.

 


Kapag tumatanda, mas maganda kapag maraming fiber sa diyeta.  Pero alin ba sa mga prutas ang pinaka dapat na kinakain ng mga senior Kapuso natin?   Samahan ang komedyanang si Divine at ang mga pinagkakatiwalaang eksperto sa nutrisyon, sa pagsusuri kung anong fruits nga ba ang nirerekomenda.

Isa siya sa pinakamatagumpay na paralympian ng bansa.  Bronze medalist siya sa Sydney 2000 Paralympic Games, at marami pa siyang ibang naiuwing medalya sa kanyang mga sinalihan.  Para kay Adeline Dumapong, ’di naging hadlang ang pagkakaroon niya ng polio para maging atleta.  At ang hamon niya sa atin, magkaroon din ng healthy lifestyle.  Ma-inspire sa kuwento ni Adeline ngayong Sabado.

Kasama sina Connie Sison, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez at Doc Oyie Balburias, mabibigyan namin kayo ng makabuluhang impormasyon.  Mapanonood ang Pinoy MD sa Sabado, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.