Usapang buhok sa 'Pinoy MD'
Sa Pinoy MD mahalaga sa amin na ibahagi sa inyo ang tamang impormasyon pagdating sa pag-aalaga ng inyong crowning glory dahil indikasyon din daw ng good health ang hair growth.
PAYO NI TITA FANNY
Si celebrity stylist, make-up icon at businessman na si Fanny “TF” Serrano, nagsimula raw magkaroon ng hairfall noong sumapit ang kanyang 40s. Dati raw, puro synthetic shampoo ang kanyang ginagamit para ‘di ito magtuloy-tuloy. Noong simula raw naging maayos, pero kalaunan lalo pa raw lumala ang kanyang naranasan. Ngayong malago na ulit ang buhok ni TF, ano kaya ang sikreto sa likod ng kanyang hair growth? ‘Yan ang ishe-share niya sa Sabado.
GISELLE’S TIPS FOR HEALTHY HAIR
Funny, smart, sexy at talaga namang maganda ang hair. Dekada 90 pa lang pinahahanga na tayo ni Giselle Sanchez. Sa hosting, sa pagpapatawa o kaya sa pagiging asawa at ina, lagi talaga siyang may energy. Alamin ang mga health tips ni Giselle para mas gumanda pa ang ating buhok sa Saturday.
MALE-PATTERN HAIRLOSS
Natural lang na malagasan ng aabot sa 100 hair strands ang isang lalaki araw-araw. Pero kapag daw lumagpas dito, naku, maaaring male-pattern hairloss na ang nangyayari. Ano ang mga senyales na ito na nga ang kondisyon? Ano ang mga puwedeng gawin kung mayroon na nito?
Hair and your health, iyan ang ating topic. Samahan sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Pinoy MD. Abangan iyan, sa GMA, 6 to 7 a.m.