ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Asian spas, ibibida sa 'Pinoy MD!'


 

MAR. 11, 2017  

SABADO

6 HANGGANG 7 NG UMAGA

 


 

Naka-CAT-akyut!

Kapag malamabing, nakaaliw silang tingnan.  At kapag naman mailap, kahanga-hanga ang kanilang asta.   Kaya naman di nakapagtataka na marami ang mga cat-lover sa atin!  Cute, dapat alagaan at pabakunahan ang mga pusa.  Lalo pa’t puwede rin silang dapuan at makapagkalat ng rabies.  Kagat o kahit kagat lang, puwede ka nang mahawaaan.  Ano-ano pa ang mga dapat gawin kung may ganitong sakit na ang iyong pusa?  At ano rin ang mga hakbang kung ikaw naman ang biktima?



Relaxing Asian Spas

Malapit na ang summer at masarap nang mag-relax, kayamarami na ang nagpa-planong mag-out-of-the-country trip.  Pero ‘di ito posible sa mga kulang ang budget dahil may mga Asian spa na sa bansa.  Kung di pa makapupunta sa Indonesia o sa Japan, puwede pa rin namang maranasan ang alaga ng mga healing therapies sa mga bansang ito kahit pa nasa Pilipinas lang.  Tampok ’yan ngayong sabado kasama sina Giselle Sanchez at Donita Rose.

 


Payo ni La Oro

Tinagurian siyang La Oro.  Hinahangaan sa ganda ng hubog ng katawan at kinalaunan sa kanyang galing sa pag-arte.  Ngayon, umaarte pa rin sa telebisyon at pelikula si Elizabeth Oropesa.  At kapag ’di siya busy sa showbiz, binubuhos niya raw ang kanyang energy sa kanyang alternative medicine practice.  Hilig din niya ngayong mag-diving, underwater photography at painting.  Iyan at ang iba pang mga paraan na kung paano siya nagpapanatiling healthy, ibabahagi sa atin ni Elizabeth sa Sabado.

 


 


EGG-citing Recipes

Mura at puno ng sustansiya, kaya naman bahagi ng marami sa ating diyeta ang pagkain ng itlog.  Sa Saturday morning, ipakikita namin sa inyo ang iba pang mga paraan kung paano puwedeng ihanda ang karaniwang almusal na ito.   ‘Di lang basta prito o nilaga!  Egg recipes, abangan iyan.

Samahan si Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Dra. Jean Marquez sa Pinoy MD sa Sabado.  Mag-tune in sa GMA, 6 to 7 a.m. para sa nag-iisang tahanan ng mga doktor ng bayan.