ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Solusyon sa pabalik-balik na UTI, tampok sa 'Pinoy MD'


 


Kapag daw nagkaroon ka na ng urinary tract infection, mas malaki ang tsansa na maranasan mo muli ito. Marami, lalo na sa mga babae, ang may ganitong problema.  Laging umiihi, sumasakit ang likod, ilan lang iyan sa mga sintoma ng ganitong impeksyon.  Babala ni urologist Dr. Reginald Bautista, kapag daw paulit-ulit ang UTI, puwedeng magkaroon ng komplikasyon. Ano ang mga maaaring gawin para maiwasan ang paulit-ulit na UTI? 

 

 


 Lagi naming sinasabi sa Pinoy MD na kumain ng maraming gulay.  At kung sariling tanim niyo pa nga ang inyong ihahain, mas maganda.  Para sa mga gustong mag-gardening sa sariling mga bahay pero walang masyadong espasyo, puwedeng subukan ang hydroponics.  Dinayo ni Connie ang isang hydroponics farm sa Cavite para matuto kung paano magtatanim ng walang lupa!

 

 


 

Laging isinasama sa handaan dahil pampahaba raw ng buhay.  Sa Saturday, may mga pansit recipe kami na may kaunting twist; mas healthy kaya mas maganda sa kalusugan natin.

 

 


Exercise na gumagamit ng drum sticks; akala mo simple lang gawin pero hindi!  Iyan ang nadiskubre ni host, beauty queen at Eat Bulaga Dabarkads na si Patricia Tumulak nang subukan niya ang pound workout.  Samahan siya sa pagsayaw, paghampas at pagtakbo habang ginagawa ang bagong ehersisyong ito.


Kaagapay niyo sa pag-aalaga sa kalusugan sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias.  Panoorin ang Pinoy MD this Saturday, 6 to 7 a.m.

ENGLISH VERSION

Pinoy MD discusses recurrent urinary tract infections and what to do to prevent them. Connie Sison goes to a hydroponics farm in Cavite. The Pinoy favorite pancit, gets a healthy twist. Eat Bulaga Da Barkads Patricia Tumulak tries a new exercise called the “pound workout.”