ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagkakaroon ng lamig sa katawan, tatalakayin sa 'Pinoy MD'


PINOY MD
SABADO, AUGUST 12, 2017
6 AM SA GMA 7



Totoo nga ba ang “lamig”?  Ano ba ang paliwanag sa nararamdaman nating ito sa ating kalamnan?  Ano ba talaga ang mga puwede nating gawin para mawala ang lamig?  Alamin ang sagot sa mga eksperto sa Sabado.



Panoorin si mom, actress at singer Sheryl Cruz, kung paano niya napananatiling healthy ang kanyang katawan.  Nakatutulong daw kay Sheryl ang pag-eehersisyo para maging aktibo at magkaroon ng energy para sa kanyang career at para sa kanyang pamilya.  Pantanggal-stress din daw ang nakahihiligan niya ngayong Zumba.



 

At mag-enjoy sa isang adventure park sa Santa Rosa, Laguna kasama sina T.O.P. members at Kapuso heartthrobs na sina Adrian Pascual at Joshua Jacobe.  Rekomendasyon namin iyan kung naghahanap kayo ng weekend family destination.

Murang-mura at kontra-uric acid pa! Ilan lang ito sa mga benepisyo ng sayote. Kaya sa Saturday, may mga sayote recipe kaming ituturo sa inyo.  Samahan man ng isda, gawing palaman o kaya pang-meryenda, mae-enjoy niyo ang gulay na ito.

Alamin ang mga tip pangkalusugan mula kina Connie Sison, Dr. Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Dr. Oyie Balburias at Dr. Jean Marquez..  Manood ng Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.

Tags: plug, pr, pinoymd, health