ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Menstrual cramps o dysmenorrhea, tatalakayin sa 'Pinoy MD'


PINOY MD
SABADO, SEPTEMBER  23, 2017
6AM, GMA 7



Ang menstrual cramps o dysmenorrhea ay buwanang nararanasan ng maraming mga babae.  Pero ano lang ba ang normal menstrual cramps at kailan dapat mag-alala?  Paliwanag ni obstetrician-gynecologist at Pinoy MD host Dr. Raul Quillamor, di dapat ipagwalang-bahala ang dysmenorrhea kung masyado na itong makirot o kaya matagal.  Alamin ang mga tips ng eksperto sa Sabado.

 

Ayon sa Philippine Center for Diabetes Education Foundation, tinatayang 6 na milyong Pilipino ang kumpirmadong may diabetes.  Kaya  marami na sa atin ang kailangang umiwas sa matatamis.  Ang iba namang walang sakit, umiiwas na sa asukal para makapagbawas ng timbang.  Anuman ang inyong motibasyon, makabubuti talaga sa katawan ang pag-iwas sa sobrang pagkain ng asukal.  Alamin ang aming sugar-free recipes!

Mag-travel sa probinsiya ng Bulacan, kasama si comedienne Divine Aucina.  Madaling puntahan, abot-kaya ng budget at maraming pagpipiliang healthy destination dito.  Si Divine nga, nakapag- pick and pay sa isang organic farm, nabisita ang plantasyon ng mga kabute at nakapag-relax pa.

 


Basta raw alagaan ang sarili, mag-exercise nang mabuti at kumain ng tama... kahit pa tatay na, di pa rin dad bod!  Ganyan ang ginawa ni Emilio Garcia, kaya  fit pa rin siya ngayon at 45 years old.   Panoorin kung paano pinananatiling lean at sexy ng aktor ang kanyang katawan.

Para malaman pa ang ibang detalye, samahan sinaConnie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Pinoy MD.  Sa Sabado iyan, 6 to 7 a.m. sa GMA.
Tags: plug, pr, pinoymd