ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Appendicitis, tatalakayin sa 'Pinoy MD'


PINOY MD
OCTOBER 7, 2017
SABADO, ALAS 6 HANGGANG ALAS 7 NG UMAGA



Mahigit pitong milyong Pilipino ang may diabetes, at tinatayang aakyat pa ang numerong ito.  Kaya naman marami rin ang humahanap ng solusyon sa kanilang karamdaman, sa siyesiya man o sa alternative medicine.  Para sa mga naniniwalang sa home remedies, may mga suggestion kaming puwede niyong gawin, na kapag isinabay sa niresetang gamot, makatutulong daw ayon sa Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care.  Ang pinagpakuluan ng dahon ng ampalaya at dahon ng banaba, mabisa raw pangontra sa pagtaas ng blood sugar level.  Ano pa ang mga natural na puwedeng gamitin ng mga diabetic?  Abangan sa Sabado.

 


Huwag masyadong gagalaw o kaya tatakbo kapag kakakain pa lang, dahil kung hindi, magkaka-appendicitis ka!  Totoo kaya ang paniniwalang ito?  Sa Saturday, lilinawin ng eksperto, paano nga ba nagkakaroon ng sakit na ito?  At ano ang mga karaniwang sintoma kapag malapit nang pumutok ang appendix?  Maaaring buhay ang nakataya kapag pinabayaan ang sakit na ito, kaya naman alamin ang impormasyon.

 


Mas damahin ang lamig ng panahon, sa Benguet!   Samahan si Kapuso actress Arny Ross sa pagdayo niya sa isang organic farm.  Sinubukan din niya ang traditional massage na dagdagay.

 


Nang maging ama kay Noah, mas lalo raw na-inspire si Marco Alcaraz na magsipag sa kanyang career bilang actor.  Kasama sa kanyang pagpupursige, ang pagsisipag din niya sa page-exercise sa gym.  Lalo raw kasi at nasa early 30s na siya, kaya naman daw dapat mas puspusan ang pagwo-workout.  Para manatiling malakas pero lean, high-intensity interval training ang ginagawa ni Marco.


Manood ng Pinoy MD sa Sabado, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.

Tags: pr, plug, pinoymd