ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Adult acne, tatalakayin sa 'Pinoy MD'
PINOY MD
OCTOBER 14, 2017
SABADO, ALAS 6 HANGGANG ALAS 7 NG UMAGA
Kung kailan pa tumanda saka ka pag nagkaroon ng sandamakmak na pimples? Talagang nakaiinis! Sa mga nakararanas ng adult acne, ano ba ang mga posibleng dahilan ng pagkakaroon nito? May bahagi ba ng mukha kung saan mas lumalabas ang mga pimple na ito? At ano ang puwedeng gawin kung problema ito sa balat?

Ngayong Breast Cancer Awareness month, ipakikita ni survivor Glenda Garcia na puwede pa ring maging healthy at happy. Regular na nagte-tennis at mahilig na mag-hula hoop ang beteranang aktres. Alamin ang iba pa niyang health tip sa Sabado.

Di panahog lang sa tinola at mga sabaw, marami pang puwedeng gawin sa malunggay. At dapat lang naman, dahil masustansiya rin pala maging ang buto at bulaklak nito. Sa Saturday, ituturo namin sa inyo ang iba-ibang moringa recipes.

Samahan si comedienne Maey Bautista sa pagdayo niya sa Tagaytay. Nabusog at na-relax siya sa ilang piling destinasyon dito. Panoorin si Maey sa pagsubok niya sa nilaib massage at pagkain ng ilang Mediterranean dishes.
Sa Sabado na iyan mga Kapuso. Abangan ang Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.
More Videos
Most Popular