Solusyon sa ingrown na kuko, tampok sa 'Pinoy MD'

INGROWN NAILS
Kapag mahilig magkutkot ng kuko o kapag mali ang paggupit ng kuko, puwedeng magkaroon ng ingrown nails. Masakit, makirot at maaaring maging sanhi ng impeksyon ang ingrown nails. Kapag lumala, baka kailangan pa nga raw ng operasyon! Alamin kung ano ang lunas para sa ingrown nails at sundan ang pagtugon ni dermatologist Dr. Jean Marquez, sa daing ng isa nating Kapusong isang taon nang idinadaing ang ingrown nails.


TSOKOLATE AH!
Hinahanap at mahirap tanggihan ang tsokolate. Ang dark chocolate mainam din idagdag sa ating diyeta dahil mayaman ito sa antioxidants. Kasama si sexy Kapuso Arny Ross, alamin ang sikreto sa pinahealthy at pinasarap na tsokolate batirol ng Baguio at fiber-rich oatmeal champorado.


HEALTHY SI MICKEY
Pagkatapos raw manganak ang aktres na si Mickey Ferriols sa kanyang hijo na si Brent, lumobo raw ang kanyang timbang. Mula medium-sized na mga damit, napilitan daw siyang mag-XL dahil umabot sa 175 lbs ang kanyang timbang. Pero dahil sa pagpupursige, balik-medium na raw ngayon si Mickey. Paano nga ba niya ito nagawa sa kabila ng kanyang busy lifestyle? Sundan ang kanyang fit-spiration story.


FUN ADVENTURE SA TAGAYTAY
Samahan ang “Star For No Reason” na si Ate Velma sa isang exciting at nakabubusog na adventure sa Tagaytay na perfect para sa pamilya o sa magbabarkada!

