ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga sintomas ng breast cancer, alamin sa 'Pinoy MD'


 

 
 
Kapag tinubuan ng kulani sa kili-kili ang isang babae, kailangan mas maging maingat siya.  Posible kasi itong unang senyales ng pagkakaroon ng breast cancer.  Karaniwang nagkakaroon ng sakit na ito ang mga nasa edad 40 pataas pero maaari rin daw na magkaroon nito ang mga mas bata pa.  Ano pa ang mga mahahalagang impormasyon na dapat nating malaman tungkol sa breast cancer?  Alamin iyan sa Sabado.
 
 
 
Ang beteranong aktor na si Roi Vinzon, kahanga-hanga dahil sa pagkakaroon niya ng healthy lifestyle kahit siya’y may edad na!  Abangan si Roi kasama ang iba nating Kapuso viewers sa kanilang page-ehersisyo.
 
 
 
Masarap na pampalasa sa pagkain, pero epektibo rin na pampatanggal ng sakit ng katawan at pampahupa ng pamamaga ang luya. Subukan ang petma-LUGAW at pritong tilapia na may amazing ginger sauce ngayong Sabado.
 
 
 
At samahan si Kapuso actress at host Ariane Bautista sa pagdayo niya sa ilang healthy destination sa Batangas.  Magandang tanawin, sariwang gulay at organic pork… ilang lang iyan sa mga sulit na dayuhin sa ating pasyal kasama si Ariane.