ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Simple at murang lunas para sa sipon, tampok sa 'Pinoy MD'


 

 

MURA AT DOCTOR-APPROVED HOME REMEDIES PARA SA UBO AT SIPON

Ngayong damang-dama na ang ginaw ng hanging amihan, tiyak mauuso na naman ang ubo’t sipon. Sa Sabado, tampok sa Pinoy MD ang mga herbal remedy na mura na, aprubado pa ng mga doktor para guminhawa ang inyong pakiramdam.
 

 

 
LEVEL UP NA KANGKONG
 
Barya-barya lang ang halaga kada tali at all year-round ay nabibili ang kangkong. Pero kung sawa na kayo sa lutong adobo o sinigang, abangan ang restaurant-level na sarap ng mga bagong recipe para sa kangkong na ituturo ng Pinoy MD!
 
 
 
MOMMY SHEREE, HOT BABE PA RIN!
 
Dating Viva Hot Babe na si Sheree, mommy na pero sexy pa rin! Sa katunayan, 25 inches pa rin ang kanyang waistline. Paano kaya niya naibalik ang kanyang dating kaseksihan matapos siyang manganak? Silipin ang pagkarir niya sa kanyang workout at diyeta nang kayo’y ma-inspire din sa inyong fitness journey.

 

 
 
ASIAN-INSPIRED WELLNESS TIPS
 
Sa darating na mga holiday at long weekend, dumayo na sa Tagaytay City para sa Asian-inspired wellness.  Kasama ang komedyanang si Divine, makalalanghap ng sariwang hangin, makapagre-relax at makakakain pa ng healthy food.

 

Tags: plug, pr, pinoymd, pmd