ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga sintomas ng pulmonya, alamin sa 'Pinoy MD'


 

 
 

Masarap, mura at masustansiya – iyan daw ang mga dahilan kung bakit karapat-dapat patulan ang pagluluto ng patola. Bukod sa sinabawang patola, bakit hindi subukan ang siksik na stuffed patola? Alamin ang recipe ngayong Sabado.

 
 

Samahan si Kapuso Ariane Bautista sa pagbisita niya sa ilang sikretong pasyalan sa Rizal. Libre ang sariwang hangin, healthy ang pagkain at may bonus pang free relaxing foot massage, courtesy of friendly fishes.

 
 

Para sa mga batang wala pang isang taon, at pati sa mga may edad na, delikado ang pneumonia o pulmonya. Parang ordinaryong ubo lang daw ang unang sintomas nito, pero kapag hindi naagapan, nagdudulot ito ng matinding panghihina at posibleng pagkamatay. Alamin ang mga senyales ng pulmonya at kung paano ito dapat tugunan.

 
 
Dahil kaliwa’t kanan na naman ang mga reunion at party ngayong magpapasko, tiyak sunod-sunod din ang kainan. Iwasan ang “holiday weight gain” kasama si Kapuso actress Sheena Halili. Sabayan siya sa kanyang mga ituturong simple pero epektibong mga ehersisyo na pampa-bawas taba sa tiyan.