Healthy at Pinoy style bibimbap recipe, ituturo sa ‘Pinoy MD’
PINOY MD
SATURDAY, 24 MARCH 2018
6 AM ON GMA 7

SUPER EASY PINOY-STYLE BIBIMBAP
Simple lang naman ang bibimbap — pinaghalong kanin,karne at gulay, pero dahil sariwa ang mga sangkap at may halong katakam takam na pampalasa, sa Korea man o sa ibang bahagi ng mundo, patok ito! Sa Pocheon, South Korea binisita ng Pinoy MD ang Herb Island restaurant. Dito natuto si Connie Sison kung paano gumawa ng herb bibimbap. Sa Pilipinas naman, may puwede rin tayong subukang rice topping dish na katulad nito. Healthy Korean at Pinoy-style bibimbap!

PERIMENOPAUSE AT 40?
Kung irregular ang iyong menstruation, sobrang lakas ang pagdurugo at 40 pataas na ang iyong edad, maaaring nakararanas ka na ng perimenopause. Ibig sabihin, papalapit na ang panahong hindi ka na dadatnat ng regla. Para malaman ang mga dapat gawin kung nakararanas ng perimenopause, manood sa Sabado.

PASYAL SA PAMPANGA WITH PATRICIA
Sinama namin si Patricia Tumulak sa San Fernando, Pampanga. Talaga namang na-enjoy niya ang pagpasyal sa isang resort na may 12 swimming pools na iba-iba ang theme. May aquarium at aviary din na puwedeng puntahan.

AMAZING GRACIA!
Sumikat noong ‘90s sa pagiging dancer sa Eat Bulaga, pansamantalang nagpahinga sa show business si Samantha Lopez nang magkaroon ng sariling pamilya. Ngayon, nag-aartista na ulit siya, at para sa kanyang mga tagahanga, nakatutuwang makitang talagang fit pa rin ang nakilala nila noong si “Gracia”. Alamin ang mga workout ng 48-year-old mom at performer na ito.
Abangan ang mga istoryang iyan sa Pinoy MD, Saturday 6 to 7 a.m., sa GMA.