Hypertension, tatalakayin sa 'Pinoy MD'
PINOY MD
SATURDAY, 21 APRIL 2018
6 AM ON GMA 7

Labanan ang sobrang init ng panahon sa pamamagitan ng pagkain ng singkamas. Ang matubig na gulay na ito, mayaman din sa fiber at mababa sa fats at asukal kaya perfect din para sa mga naghahangad ng beach body. Subukan ang aming inihandang singkamas salad at singkamas croquettes!

Ang altapresyon, tinatawag na “silent killer” dahil wala raw itong sintomas. Wala rin itong pinipiling edad o kasarian. Mahirap man o mayaman, puwedeng magkaroon nito. Bago pa maging huli ang lahat, alamin ang mga paraan para maiwasan ang hypertension. At kung kayo’y mayroon na nito, ano ang mga puwedeng gawin para maibalik sa normal ang inyong presyon?

Hindi porke’t nagkaka-edad na, ibig sabihin ay hindi na dapat mag-work out. Sa katunayan, kapag tumuntong na sa edad 40 pataas, mas inirerekomenda ng mga doktor ang tinatawag na resistance training – o yung pagbubuhat ng weights. Mas makabubuti kasi ito para lumakas ang muscles at maging matibay an gating mga buto. Samahan ang the original Machete na si Gardo Versoza at subukan ang simpleng-simpleng resistance training exercises na kahit sa bahay lang ang puwede niyong gawin.

Yayain na ang pamilya at buong barkada at mag-road trip kasama si Kapuso Arianne Bautista sa kanyang pagbisita sa Morong, Bataan. Dito, hindi na kailangang makipagsiksikan sa mga tao dahil ang beach, solong-solo niyo. Puwede pang sumakay sa jetski at banana boat para mas exciting. Pati ang pagkain, fresh at healthy.