ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paraan para bumaba ang bad cholesterol, alamin sa 'Pinoy MD'


SABADO, JULY 7, 2018
CHOLESTEROL, KAILANGAN O KALABAN NG KATAWAN?

 

CHOLESTEROL

Masama ang reputasyon ng cholesterol pero sa totoo lang, kailangan ito ng ating katawan para makagawa ng hormones tulad ng testosterone at estrogen. Kailangan din natin ito para makagawa ng Vitamin D ang ating katawan. Pero nagkakaroon ng problema kapag sumosobra ang low density lipoprotein (LDL) o yung tinatawag na bad cholesterol.  Alamin ang mga maaaring dahilan kung bakit tumataas ang LDL at ang pinakamahalaga, paano ito mapabababa.

 

ULO-ULO AT BUTO-BUTO

Sa patuloy na pagtaas ng bilihin, kailangang maging wais sa pamimili pero dapat, hindi tipirin ang sustansiya. Sa episode na ito, ituturo namin ang tipid-perfect pero malasang mga lutuing ginamitan ng ulo-ulo at buto-buto.

 

HEALTHY SI AYEESHA

Ang 17-year-old Kapuso actress na si Ayeesha Cervantes ipakikita sa atin na mas maganda kung habang bata pa, simulan na ang active lifestyle.  Panoorin siya sa pagsubok sa ilang bagong workout na makapagpapatatag ng katawan.

 


STAYCATION IN THE METRO

Samahan ang komedyanang si Divine sa kanyang pag-ikot sa ilang Metro Manila destination kung saan puwede nang mag-relax, puwede pang makaranas ng adventure.