ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Recipes na mayaman sa protina, ihahain sa 'Pinoy MD'


 


EPEKTIBO BA TALAGA ANG MGA PRODUKTONG MAY COLLAGEN?

Ang collagen ay isang uri ng protina na nagsisilbing tila pandikit sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Para mapigilan umano ang panghihina at pangungulubot ng balat, inihahalo ang collagen sa mga sabon, lotion, mga pamahid at mayroon pang iniinom at itinuturok. Pero epektibo ba talaga ang collagen?  Ligtas ba ang mga produktong nabibili na may collagen?

 


L-I-I-T KASAMA SI MANOLO PEDROSA

Kung hindi gaanong sanay mag-ehersisyo, o kaya’y kung galing kayo sa pilay o bali, ang low intensity interval training o LIIT daw ang bagay sa iyo.  Sa workout na ito, mas mahaba ang pahinga kaysa sa mga ehersisyong gagawin. Para mas ma-engganyo kayo, sinama namin ang Kapuso actor na si Manolo Pedrosa sa isang LIIT routine.

 


SPA-GKAIN?

Masarap kainin at masarap ding…ipahid?  Pupuntahan ni comedienne Maey Bautista ang ilang wellness destination na may spa treatments na gumagamit ng pagkain.  Anghang o tamis man ang paborito niyo, may babagay para sa inyong skin relaxation.

 


PROTEIN RICH RECIPES

Para sa mga gustong magbawas ng timbang o magpaganda ng hubog ng muscles, importante ang pagkain ng sapat na protina. Mga recipe para sa protein-rich meals, alamin sa Sabado.

Tags: plug, pr