Sobra-sobrang screen time, ano ang epekto sa kalusugan?
Sa panahon ngayon, para sa marami sa atin, wala na tayong mapag-iiwasan kundi gumamit ng cellphone at computer. Paano kasi, dala ng pandemya kailangang siguruhin ang social distancing at isa sa mga paraan para magawa natin iyan para makakapag-aral, trabaho o libang man... mag-screen time. Pero hinay-hinay lang sa sobrang pagbra-browse at pagta-type dahil may mga maaaring masamang epekto ang mga ito sa ating kalusugan. Ang teacher na si Michelle Dayondon, isa sa mga nakararanas ng eye strain at marami pang side effect ng pagbababad sa kanyang laptop. Ano pa ang puwedeng mangyari kung masyadong matagal ang screen time? Abangan iyan.

Maulan at ngayon mas higit na kailangang alagaan ang kalusugan, alamin ang mga soup recipe na makatutulong magpalakas ng resistensiya, na ituturo namin sa inyo. Ang komedyanteng si Mike "Pekto" Nacua, proud sa kanyang regular ding inihahain sa bahay. Ang nanay at vlogger namang si Julie Anne Estabillo, may ipakikita ring sabaw na paborito raw ng kanyang pamilya. 
Si Willard Alcoran naman, na isa ring vlogger, di sa pagluluto ibinubuhos ang enerhiya ngayong naka-work at study from home ang marami. Skincare ang isa sa mga inaatupag niya. Matuto kung paano gumawa ng mga homemade face mask, na aprubado ng dermatologist siyempre, sa Sabado.
Alamin ang tungkol sa mga iyan at iba pang health information mula kay Connie Sison at kay Dra. Jean Marquez. Mapanonood ang Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.
