Paano masisigurong safe at healthy ang Pasko ng pamilya?
PINOY MD
DECEMBER 12, 2020
SABADO, 6 AM SA GMA-7
PASKO SA PANAHON NG PANDEMYA

Sa isang bansang may napakahabang selebrasyon ng Pasko at punung-puno ng tradisyon, paano nga ba gugunitain ang dakilang araw na ito? Sa mga magkakaanak na magkakahiwalay at tuwing Pasko lang muling nagkakasalo-salo, mayayakap pa ba ang isa’t isa ngayong pinaglayo-layo tayo ng pandemya? May mga ligtas na paraan naman para ipagdiwang ang Pasko!
MGA SAKIT TUWING TAG-LAMIG

Minsan lang sa isang taon kung maranasan ng malaking bahagi ng ating bansa ang mas malamig na panahon--- tuwing magpa-Pasko! Pero kasabay ng pagginaw ng klima ang iba’t ibang sakit na kung babalewalain ay maaaring pagmulan ng higit na malalang karamdaman. Tulad ng sipon at ubo na laganap kapag malamig ang panahon, mga sintomas din ito ng kinatatakutang coronavirus!
HEALTHY CHRISTMAS REGALO

Takot lumabas ng bahay at makipagsiksikan sa mga shopping mall at pamilihan? Paano na ang mga pang-regalo ngayong Pasko? Hindi problema ‘yan basta maglaan ng oras at creative imagination, kayang makagawa ng mga personalized Christmas regalo nang ‘di lumalabas ng bahay!
HOLIDAY BLUES

Kasabay ng merry at good vibes na dala ng Pasko, may ilang nakararamdam din ng matinding lungkot sa ganitong panahon… na pinalala pa ng nararanasan nating pandemya. Maaaring malayo sa pamilya at mahal sa buhay, o may matinding problemang pinansyal dahil sa lockdown--- ilan lamang sa maaaring mitsa para ang isang tao ay magkaroon ng holiday blues!