ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng gallstones?


PINOY MD
SABADO, FEBRUARY 6, 2021
6 AM SA GMA-7

 




Sanggol pa lang daw si Ribby Jimenez, may napansin nang mga marka sa kanyang katawan na inakala nilang mga balat lamang. Pero lumaki ang mga patse-patseng marka na kalaunay, naging bukol. Ngayong 25 taong gulang na siya, sinakop na nito ang kanyang kanang leeg, dibdib at likod. Bukod sa pahirap sa katawan, nakaapekto na rin daw ang kalagayan niyang ito sa kanyang kumpiyansa sa sarili. Ang mas ikinatatakot ngayon ni Ribby, may mga marka na rin daw na lumitaw sa katawan ng kanyang mga batang anak. Ano ang kondisyong ito ni Ribby at naipasa kaya niya sa kanyang mga anak?

 

 



Para sa maraming Pinoy, kulang ang sarap at linamnam ng maraming pagkain kung walang sawsawan! Sa usapang sawsawan, alamin kung gaano karaming suka, toyo at patis ang dapat nating makonsumo kada araw.

 

 



Hindi tiyak kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng gallstones. Dahil madalas na ang dahilan ang pagkakaroon ng mga bato sa apdo ay kolesterol, ipinapayo na huwag kumain ng mga mamamantikang pagkain ang mayroon nito. May iba pang payo para mas guminhawa ang mga may gallstones?

Samahan sina Connie Sison at OB-gyne Dr. Raul Quillamor sa Pinoy MD, Sabado, 6 AM  sa GMA.