Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lagay ng mga health worker na nabakuhanan na kontra-COVID-19, alamin!


PINOY M.D.
SABADO, MARCH 6, 2021
6 AM SA GMA-7

 

 

Sa wakas, nagsimula na ang national coronavirus vaccination campaign ng Pilipinas nitong March 1. Ang unang tinurukan ng bakunang Coronavac —-ang neurologist at Philippine General Hospital Director na si Dr. Gerardo Gap. Donasyon ng China ang 600,000 doses ng bakunang gawa ng Sinovac. Alamin ang lagay ng mga health workers na nabakunahan na!

 

 

Hindi makontrol na panginginig at nawawalan ng balanse kaya hindi makatayo nang maayos. Kabilang ang mga ito sa mga pagdurusa ng mga tinamaan ng Parkinson's Disease. Kung dati’y matatanda ang karaniwang inaatake ng sakit na ito, ngayon maging mga young adult katulad ng 31 years old na si  Lorna Taruc, posible nang dapuan ng Parkinson's Disease. Walang gamot sa karamdamang ito kaya ang mga biktima kailangan ng ibayong pang-unawa at tulong.

 

Maraming puwedeng paggamitan sa lemon. Masarap gawing juice o sangkap sa mga lutuin. Alamin ang iba’t ibang benepisyo ng lemon!

Samahan si Ms Connie Sison at ang mga doktor ng bayan ngayon Sabado, 6am sa GMA!