ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paano maiibsan ang epekto ng carpal tunnel syndrome?


Pinoy M.D.
Mar.13, 2021
6 a.m.
GMA

Papagaling man, hirap pa rin sina Jayson Yadan at Ryden Centeno habang nilulunasan ang mga lapnos sa kanilang katawan. Si Jayson, nakuryente habang boluntaryong nag-rescue ng mga nasalanta ng isang bagyo sa kanilang bayan. Si baby Ryden naman, napaso nang pumutok na incubator na pinaglagyan sa kanya. Ano ang lunas sa kanilang pagdurusa.

Junk food ang ice cream kaya naman ‘di puwedeng sobra kung kumain nito. Pero kung papalitan naman ang ibang sangkap puwede pa rin itong maging healthy rin. Matakam sa olive oil at malunggay ice cream at matutong gumawa ng ice cream in a plastic bag!

Kung buong araw na nagta-type, naglalaba o kaya nagmamasa para makapag-bake, mas maaari kang magkaroon ng carpal tunnel syndrome. Kapag ganito, sumasakit, namamanhid at nakararamdam ng tusok-tusok ang mga kamay ng isang tao. Ano ang mga puwedeng gawin para maibsan ang epekto ng carpal tunnel syndrome?

Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, alas 6 ng umaga, sa GMA.