Health benefits ng rabbit meat, alamin!
Pinoy MD
April 24, 2021
Sabado, 6:00 a.m.-7:00 a.m.

COVID-19 HOME CARE
Mga dapat gawin sakaling tamaan ng mild Covid at sa bahay lamang magpapagaling batay sa mga alituntuning itinakda ng WHO. Pero ang ilan nating kababayan na tinamaan ng mas mabagsik na Covid-19, dahil sa kakulangan ng espansyo sa mga ospital, sa sariling bahay pa rin ang bagsak. Paano tutugunan ang kanilang mga pangangailangang medical gaya ng oxygen tank at respirator?

HOME SERVICE TULI
Para sa maraming batang lalaki sa bansa, ang tag-init 'di lang panahon ng laro at pagpapahinga, kundi panahon din ng pagpapatuli. Pero ngayong may pandemic, tila na-lockdown din ang kanilang pagtawid sa pagbibinata. Mabuti na lang at kahit sa loob ng sariling bahay pwede na rin ngayon magpatuli!

KARNE NG KONEHO
Bukod sa baboy, baka, at manok, may isang karneng maaari nang gawing alternatibong hain sa hapag ng pamilyang Pinoy--- ang rabbit meat o karne ng koneho. Mas malinis daw ito at mas masustansya kumpara sa ibang karne ng hayop. Ang rabbit meat, puwedeng iluto sa paraang nakasanayan na ng marami gaya ng adobo, lumpiang Shanghai, at lechon!
Samahan si Connie Sison at ang mga doktor ng bayan ngayon Sabado, 6 AM sa GMA!