ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Boracay Fun Adventures sa 'Pop Talk'


"Pop Talk"
Boracay Fun Adventures
APRIL 5, 2014
8 PM, GMA News TV-11
                      
 
Pop na pop ang bonggang 2-part Anniversary Special na inihanda ng ‘POP TALK’ sa 3rd anniversary nito sa GMA News TV mula sa tinaguriang ‘one of the best islands in the world’—ang Boracay!  At ngayong Sabado, sa part 2, mas exciting at mas masaya dahil mga adventures in Boracay ang susubukan at rirebyuhin!



Isasalang sa review ang tatlong Boracay fun adventures: ang ‘Kiteboarding’ kung saan pinaghalo-halo ang wakeboarding, windsurfing at paragliding, ang bagong ‘Aquarium Scuba’ kung saan puwedeng mag-scuba sa loob ng isang malaking aquarium, at ‘Boracay Land Tour’ kung saan lilibutin ang ‘other side of Boracay’ from the wildlife to the Puka Beach.



Kasamang magri-review ni Tonipet ang celebrity reviewer na actor at TV personality na si Mico Aytona at ang backpacker, ang mommy at travel blogger na si Gay Emami-Mitra at ang Boracay-based horticulturist na si Clu Alvarez.

Maki-Summer Adventure na sa itinanghal na ‘Best Adult Educational Program’ sa 2013 Catholic Mass Media Awards ang Pop na pop na "Pop Talk"!  Ngayong Sabado, April 5, sa mas pinaaga at pinahabang timeslot na 8:00 pm–8:45 pm, sa GMA News TV!
Tags: plug, poptalk, boracay