ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Beauty queens, magpapatagisan as budget babes sa 'Fashbook'


FASHBOOK Budget Babe Airing date: March 21, 2012 Ngayong Miyerkules sa Fashbook, tatlong beauty queen ang magtutuos  para sa isang korona. Lahat sila magpapatalbugan para makamit ang titulo bilang Fashbook Budget Babe Grocery Queen!   Ang mga kandidata ay sina Bb. Pilipinas-International 2010, Krista Kleiner, Miss World-Philippines 2011, Gwendolyn Ruais at ang tinaguriang “The Boldest Beauty Queen,” Bb. Pilipinas-Universe 1982, Maria Isabel Lopez.   Ang kanilang challenge ay bumuo ng isang Beauty Queen Look gamit ang mga item na mabibili sa loob ng grocery. Ang kanilang budget ay tumataginting na limang daang piso at kailangan nilang magawa ang lahat ng ito sa loob lamang ng dalawang oras! Hindi lang ‘yan ang kanilang pagsubok, kailangan pa nilang sumakay ng bus at jeep papunta sa grocery.   Sino kaya sa kanila ang tatanghaling Fashbook Budget Babe Grocery Queen?   Tumutok sa Fashbook ngayong Miyerkules, ika-sampu ng gabi sa GMA News TV.   
Tags: plug