ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sen. Antonio Trillanes IV on 'Powerhouse'
POWERHOUSE SEN. ANTONIO TRILLANES IV
Airing date: July 3, 2012 

Ngayong Martes sa Powerhouse, bibisitahin ni Mel Tiangco ang tahanan ng isa sa pinakakontrobersiyal na senador sa bansa, si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV.
Unang narinig ang pangalan niya noong 2003 nang pamunuan niya ang isang rebelyon sa Makati na binansagang Oakwood Mutiny. Nakulong nang apat na taon, muling ginambala ng grupo niya ang katahimikan nang mag-walk out sila sa sariling court hearing at tumungo sa Manila Pen, dahilan para tawagin ang insidenteng Manila Pen Siege. Kaya naman hindi inakala ng marami na ang dating rebel soldier ay magiging senador!
Sa pagdalaw ni Mel sa 60-square meter, 3 bedroom condo unit ni Senator Trillanes, kitang-kita ang simple pero praktikal na panlasa ni Senator Trillanes pagdating sa bahay. Minimalist ang tema ng dekorasyon nito, tamang-tama lang daw para sa simple niyang pamumuhay kasama ang pamilya. Kapansin-pansing walang home office ang senador dahil na rin sa ayaw niyang magdala ng trabaho sa bahay.
Lumaking over-achiever, ika nga, consistent honor student si Sonny mula grade school hanggang sa Philippine Military Academy. Sa katunayan, nakamit niya ang Mathematics at Physics plaque, maging ang karangalan bilang Cum Laude sa kaniyang pagtatapos sa PMA. Sa pag-uusap nila ni Mel, ikukwento ni Sonny kung bakit niya naisip maging sundalo, ang mga hirap na dinanas niya sa pag-aaral sa PMA, at kung paano niya nakilala at nakatuluyan ang asawang isang army captain!
Pag-uusapan din ni Mel at ni Sonny ang hirap na dinanas niya nang siya ay makulong matapos ang Oakwood Mutiny, kung paano niya naipanalo ang kandidatura sa senado sa kabila ng pagkakakulong, ang pagtukoy sa kaniya bilang dahilan diumano ng pagpapakamatay ni General Angelo Reyes at ang saloobin niya tungkol sa kinabukasang naghihintay kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Isang kaabang-abang na episode ang matutunghayan kasama si Senator Sonny Trillanes sa Powerhouse ngayong Martes, 8 PM sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular