ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Powerhouse: Joel Torre


POWERHOUSE: JOEL TORRE
Date of Airing: November 6, 2012  
Ngayong Martes, samahan si Mel Tiangco na pasukin ang bahay at makipagkwentuhan sa aktor at negosyanteng si Joel Torre. 
 
Sa murang edad na pitong taong gulang, namulat na si Joel sa theatre scene sa Bacolod dahil na rin sa kaniyang mentor na si Peque Gallaga. Si Peque ang nagtulak kay Joel na pagyamanin ang natural gift nito.  Kaya naman palaging kasama si Joel sa mga theatrical projects at summer workshops ni Peque na lubusang humubog sa kaniyang talento.   Bagamat matagal nang artista, sa pelikulang  Oro, Plata, Mata unang nakilala si Joel Torre. Dahil sa “Oro” tumingkad nang husto ang karera ni Joel.   Hindi na napigilan ang kaniyang pagsikat at naging sunod-sunod na ang kaniyang mga pelikula at parangal, kabilang na ang pagiging Best Actor sa Famas.  Hindi  rin makakalimutan ng marami ang pagganap niya kay Jose Rizal na kapareho pala niya ng kaarawan!
 
Mediterranean ang disenyo ng bahay ni Joel sa Quezon City. Second owner na sila nito pero  suwerte raw ang bahay na ito sa kaniyang pamilya. Simula nang lumipat sila dito noong 2005, naging sunod-sunod ang kaniyang mga proyekto.  Sinunod ni Joel ang konsepto  ng Feng Shui sa pagpapaganda ng bahay.  Sa may pintuan, may mga foo dogs na nagsisilbing bantay laban sa kamalasan.   May maliit na koleksiyon din siya ng paintings na bigay ng kaniyang mga kaibigan, kabilang na ang obra ni BenCab.  
Sa mahigit 30 years niya sa showbiz, alam niyang hindi permanente ang kaniyang trabaho.  Kaya naman naisipan niyang magkaroon ng back-up plan. At dahil taga-Bacolod, ang naisip niyang negosyo ay malapit sa kaniyang puso… isang manukan na bida ang chicken inasal ng mga taga Bacolod! Hindi siya nagkamali sa napiling negosyo.  Dalawang buwan lamang matapos buksan,  agad niyang nabawi ang puhunan sa unang branch nito sa Gilmore. Ngayon,  may 12 branches na ang JT’s manukan! 
 
Ano kaya ang sikreto ng tagumpay ni Joel Torre? Alamin ngayong Martes sa Powerhouse, 8PM sa GMA News TV.
Tags: plug