ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Queen of Knit at Golden Boy ng Pinoy fashion, kilalanin sa Powerhouse


POWERHOUSE:  Randy Ortiz at Lulu Tan-Gan Date of Airing: November 20, 2012   Kilalanin ang dalawang pioneering at trendsetting fashion designers ngayong Martes sa Powerhouse.   Unang bibisitahin ni Mel Tiangco ang minsang itinuring na Golden Boy sa industriya ng fashion sa bansa noong dekada nubenta, si Randy Ortiz. Dahil isang judge ang ama, nasaksihan ni Randy kung paano magbihis ang kaniyang mga magulang sa tuwing dadalo ang mga ito sa mga social events. Sila raw ang nakaimpluwensiya sa kaniya para pasukin ang fashion industry. Ilan lang sa mga kilalang suki ni Randy ang mag-asawang Richard at Congresswoman Lucy Torres.   Sa laking 300 square meters, ang condo unit ni Randy ay napakalawak.  Sa katunayan, meron itong dalawang living rooms!  Ayon kay Randy,  formal living room daw ang isa dahil dito siya tumatanggap ng mga bisita. Kaya naman black and neutral tones ang napili niyang mga kulay para rito.  Sa informal living room naman, mas makulay ang pintura at kagamitan, para raw mas relaxing. Sa dining room, makikita ang dining table na gawa sa mosaic glass at mother of pearl na pinasadya pa raw niya. Terno dito ang sampung dining chairs na iba't iba ang disenyo para raw hindi nakakasawang tingnan at gamitin. Ang tinaguriang Queen of Knit, si Lulu Tan-Gan, ang sunod na bibisitahin ni Mel Tiangco. Nagsimula  bilang buyer ng noo'y kabubukas lang na malaking department store, isa na ngayon si Lulu Tan-Gan  sa pinakasikat na fashion designers sa Pilipinas.  Sumikat si Lulu dahil sa kaniyang knitwear na naisipan daw niyang gawin para maiba naman sa mga 'cut and sew' clothing.  Pero bukod sa kaniyang mga knitted creations, pinasikat ni Lulu ang 'indigenous couture' kung saan gumagamit siya ng piña at jusi  na maaari na raw gamitin na pang araw-araw. Sa kaniyang house tour, makikitang ang tahanan ni Lulu ay halos puno ng mga obra ng mga sikat na Filipino artists. Ang kanyang sofa ay gawa ni Milo Naval, ang mga paintings ay obra nina  Ben Cab, Arturo Luz at national artist na si Felix Resurreccion-Hidalgo, at ang isang cabinet ay gawa ni ni WynWyn Ong.   May  half-body terracotta sculpture din ni Lulu na gawa ng feminist artist na si Julie Dalena.   Pasukin ang bahay at alamin ang kwento ng tagumpay nina Randy Ortiz at Lulu Tan-Gan sa  Powerhouse ngayong  Martes, 8 PM sa GMA News TV.