ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kamustahin ang iginagalang na public servant na si Rafael 'Raffy' Alunan


Sa Martes, samahan si Mel Tiangco na kamustahin ang isa sa iginagalang na public servants sa bansa, si Rafael "Raffy" Alunan, sa Powerhouse.
 

Palibahasa'y naging isang masipag na tagapaglingkod ng bayan ang kaniyang lolong si Rafael Alunan Sr. sa bayan ng Negros, tila nananalaytay sa dugo ni Raffy ang kagustuhang maglingkod. Kaya naman hindi nakapagtatakang naging Tourism Secretary siya ni Pangulong Cory Aquino, at DILG Secretary naman ni Pangulong  Fidel V. Ramos. Ang parehong posisyon daw ang sumubok  sa husay at tapang ni Raffy, lalo na sa pagharap sa mga banta ng coup de etat at terorismo.
 

Bukod sa masayang kwentuhan, bubuksan din ni Raffy ang pintuan ng bungalow-type home nila ng kaniyang misis na si Elizabeth. Halos lahat ng gamit dito ay antigo, pero agaw-pansin ang koleksiyon niya ng libro, ang mga antique Chinese furniture na namana pa ni Elizabeth sa kaniyang mga magulang,  at maging ang mga prints ng yumaong modernist painter na si Anita Magsaysay-Ho.
 

Huwag palampasin ang Powerhouse kasama si Mel Tiangco sa Martes, 8PM sa GMA NewsTV.