ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Bisitahin ang tahanan ng unang Pangulo ng Pilipinas - si Hen. Emilio Aguinaldo
Ngayong Martes sa Powerhouse, sariwain ang kasaysayan ng ating kalayaan sa pagbisita sa tahanan ng unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, si Heneral Emilio Aguinaldo.
Ang Aguinaldo Shrine na dating tahanan ng heneral ay isa na ngayong museo. Sa 5-storey mansion, makikita kung paano pinag-isipan nang husto ang disenyo para umayon sa buhay ng isang prominente at kontrobersiyal na pinuno. Ilan lang diyan ang pagkakaroon ng mga trap door, false cabinet at secret passage -- mga bagay na makapagpapadali sa pagtakas ni Aguinaldo kung sugurin man siya ng kaniyang mga kaaway.
Makakapanayam din ni Mel Tiangco ang apo si tuhod ni Heneral Aguinaldo na si DOTC Secretary Joseph Emilio "Jun" Abaya. Bagamat hindi na personal na nakilala ni Jun ang heneral na lolo, damang-dama raw niya ang pagiging makabayan nito dahil na rin sa mga kwento ng kaniyang pamilya. Kaya naman isa raw ito sa dahilan kung kaya't pinili niyang maging public servant.
Gunitain ang makulay na kasaysayan ng ating kalayaan sa Powerhouse kasama si Mel Tiangco sa Martes, 8PM sa GMA NewsTV.
More Videos
Most Popular