Kilalanin si senator-elect Bam Aquino sa 'Powerhouse'
Sa Martes, samahan si Mel Tiangco na kilalanin ang bagong-halal na si Senador Paolo Benigno "Bam" Aquino IV sa Powerhouse.
Sa edad na 36, siya ang pinakabatang senador ng bansa ngayon. At bagama't kapangalan niya ang dalawa sa pinaka-prominenteng tao sa kasaysayan ng bansa-- ang tiyuhin niyang si Ninoy at ang pinasan niyang si Noynoy-- malinaw na may sarili siyang diskarte bilang lingkod-bayan. Sa one-on-one nila ni Mel, ikikwento ng batang senador ang simula ng kaniyang political career na tila itinakda ng tadhana, ang impluwensiya ng kaniyang tanyag na tiyuhin sa kaniyang tinahak na buhay bilang public servant, at maging ang love story nila ng kaniyang asawang si Timmy.
Ipapasyal din ni Senator Bam ang Powerhouse sa ancestral house ng mga Aquino sa Tarlac kung saan nahubog ang pamilyang naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas.
Huwag palampasin ang Powerhouse kasama si Mel Tiangco sa Martes, 8PM sa GMA NewsTV.