ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Beauty queen and entrepreneur Miriam Quiambao on 'Powerhouse'


POWERHOUSE: Miriam Quiambao
Airing date: October 8, 2013


Ngayong Martes sa Powerhouse, sisilipin ni Kara David ang bahay at buhay ni dating beauty queen at ngayo'y entrepreneur na si Miriam Quiambao.
 
Sa isang one-bedroom condominium unit sa Bonifacio Global City nakatira si Miriam. Simple at maaliwalas ang kanyang tirahan na may temang Modern Filipino. Ang sala niya ay nagkakaroon ng mas malawak ng ilusyon dahil na rin sa malaking salamin sa isang bahagi ng pader. Sa kabilang bahagi naman nito nakalagay ang ilang sa mga koleksiyon ni Miriam kagaya ng mga laruang kahoy, mga memorabilia sa dati niyang buhay bilang beauty queen, mga aklat tungkol sa kaniyang kasalukuyang pinagkakaabalahan bilang inspirational speaker at siempre, bibliya.
 
Bibliya umano ang pinakamahalagang bagay sa lahat ng ito. Una siyang nahubog ng kanyang pananampalataya sa Diyos sa pag-usbong niya sa showbiz at ngayon ang Diyos rin ang kaniyang nagiging giya sa muling pagbangon.
 
Tila sa muling pagbangon mula sa pagkakadapa umiikot ang buhay ni Miriam. Nakamit niya ang katanyagan sa Miss Universe Beauty Pageant dahil sa kanyang pagkadulas sa entablado at pagbangon sa harap ng milyun-milyong nanood sa patimpalak. Dahil dito, nakamit niya ang ikalawang pwesto sa tanyag na kompetisyon. Pagbalik niya sa Pilipinas, agad na nakamit niya ang kasikatan at naging in-demand na personalidad sa telebisyon.
 
Sa rurok ng kanyang tagumpay, sabi ni Miriam, napabayaan niya ang kanyang pananampalataya. Nasilaw daw siya sa "Fame and Fortune" at lalo pang nagpakabisi sa trabaho hanggang sa bigla nalang niya itong iniwan para magpakasal. Marami ang nagulat sa desisyon niyang ito na ayon sa kanyang ay dahil na rin sa "burnout" o pagkapagod sa dami ng kanyang ginagawa at sa walang tigil na paghahangad ng mas mataas pang antas sa buhay at karera.
 
Habang nasa Hong Kong kasama ang napangasawa, nakaranas di Miriam ng despresiyon dahil na rin sa pinagdaanang problema. Tila ibang-iba ang buhay may-asawa niya doon sa kanyang pinangarap ng buhay. Ito na raw ang pinakamadilim na yugto ng kanyang buhay na umaabot sa pa isang insidente na muntikan nang magtulak sa kanya na wakasan ang sariling buhay.
 
Nang, matauhan, nagdesisyon siyang hiwalayan ang asawa at bumalik ng Pilipinas para muling mag-umpisa. Pagdating, nadiskubreng ang kanyang perang naipon sa ilang taong pagta-trabaho ay nalustay na pala ng inaakalang kaibigan na namahala sa kanilang mga negosyo. Muling malugmok sa despresiyon si Miriam. Hindi na nga nagtagumpay ang kanyang buhay may-asawa, bigo pa ang kanyang mga negosyo.
 
Sa kadiliman ng bigong buhay muling nakita ni Miriam ang liwanag ng pag-asa sa tulong ng pagbabalik loob niya sa Panginoon. Dito siya nabigyan ng lakas ng loob na mabigay aral at inspirasyon sa mga Pilipinong nakakikilala at humahanga sa kanya. Sa bagong napiling karera na rin nakilala ni Miriam ang lalaking aalalay sa kanya sa muling pagbangon.
 
Dahil sa kanyang mga pinagdaanan, napagtanto ni Miriam na ang tagumpay ng buhay ay hindi talaga nakikita sa gandang panlabas at sa kayamanang nakamit. Para kay Miriam, ang tagumpay ay ang pagkakaroon ng masayang buhay sa piling ng tunany na nimamahal at nagmamahal, at sa biyayang ipinagkakaloob ng Panginoon.
 
Mas kilalanin si Miriam Quiambao sa Powerhouse, ngayong Martes, alas-8 ng gabi sa GMA News TV.