ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Owners of Cabalen and Hen Lin on 'Powerhouse'
Airing date: November 12, 2013/8 PM
Ngayong Martes sa Powerhouse, kilalanin ang dalawang matagumpay na negosyante sa likod ng dalawa sa mga sikat na kainan sa Pilipinas ngayon - ang isa binibida ang pagkaing kapampangan, ang isa naman chinese food ang specialty.

Modern Asian ang disenyo ng bahay ng may-ari ng Cabalen restaurant na si Maritel Nievera. Tubong Pampanga si Maritel, ang kabiguan sa pag-ibig at pagiging single parent ang nag-udyok sa kanya para makipagsapalaran sa Maynila para simulan ang Cabalen restaurant.
Hindi naging mailap ang tagumpay sa kanya dahil higit pa sa pera, mas mahalaga raw ang pakikitungo sa ibang tao: “Remember the people on your way up because you'll meet the same people on your way down.”
Sa isang exclusive subdivision sa Alabang naman makikita ang bahay ng
negosyanteng si Jun Manas ng Hen Lin. Sa unang tingin, aakalain mong isa itong bahay sa probinsya dahil sa country style design nito.

Bata pa lang daw si Jun ay paborito na niya ang siopao at mami. Dati siyang clerk na nagsumikap hanggang sa maging Vice President ng isang kumpanya. Nang magretiro, naisipan niyang magtayo ng sariling negosyo.
May payo si Jun sa mga gustong magtagumpay katulad niya: “Always give back and share your blessings especially to your parents. Kung wala na sila, tumanaw ka ng utang na loob kung sino ang mga nag-alaga sa iyo."
Malula sa ganda ng kanilang bahay at ma-inspire sa kwento ng tagumpay ng Cabalen at Henlin sa Powerhouse ngayong Martes, ika-walo ng gabi, sa GMA News TV.

More Videos
Most Popular