ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Nathaniel's and Tamilee Industries owners on 'Powerhouse'


Powerhouse
Fernando at Nelly Co ng Nathaniel's at Nelson at Tami Leung ng Tamilee Industries
Date of Airing: December 17, 2013

8 PM, GMA News TV-11

Malapit na ang Pasko, buhay na buhay ang mga negosyo ng pagkain at dekorasyong pambahay kaya ngayong Martes sa Powerhouse, samahan si Kara David kilalanin ang dalawang pamilyang ito ang pinagkakakitaan.



Buko pandan na mala-ice cream at siomai na crunchy, 'yan ang ipinagmamalaki ng Nathaniel's.
Ipinakita ng mag-asawang Fernando at Nelly ang kanilang two-storey na bahay sa Pampanga. Sila mismo ang nagdisenyo ng kanilang bahay na kulay berde at puti na madalas raw maihalintulad sa paninda nilang buko pandan.  Mapapansin naman sa loob ng kanilang bahay ang maraming christmas decor. Nariyan ang iba’t ibang Christmas stuff toys, cookie jars pati na ang isang Santa
Claus na gawa sa led lights na paborito ni Nelly.

Maliban sa kanilang sala, kwarto, at kusina, ipinasyal din ng mag-asawa si Kara sa kanilang nursery room na ipinasadya pa nila para sa kanilang mga apo.



Sunod naman sisilipin ng Powerhouse ang bahay-bakasyunan ng mag-asawang Nelson at Tami Leung ng Tamilee Industries sa Baguio.

Kilala ang Tamilee Industries sa paggawa ng kakaibang mga christmas decor mula sa natural at recycled materials. Ilan sa kanilang mga suki ay ang mga malalaking department stores sa Amerika tulad ng Neiman Marcus, Pottery Barn, Macy's at ang Harrod's sa Inglatera. Dito naman sa Pilipinas, sila ang nagdisenyo ng ilang kilalang lugar tulad ng Resorts World Manila, Manila Hotel at marami pang iba. Nung nabubuhay pa raw ang dating Pangulong Corazon Aquino, isa siya sa mga suki ng Tamilee.

Sa Baguio matatagpuan ang kanilang 5-storey ancestral house. Siyempre, punong-puno ng dekorasyon ang buong bahay. Agaw-pansin ang kanilang  20-foot na Christmas tree na gawa nila mismo.

Hindi akalain ng parehong negosyante na uunlad ang kanilang negosyo na kapwa nagsimula sa simpleng hobby.

Ayon nga kay Nelly Co ng Nathaniel's: "Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang Diyos dahil ako ang pinili niya na ilagay sa lugar ko." May walong branches na ngayon ang kanilang tindahan.

Alamin ang sikreto ng  tagumpay ng mga Co at Leung sa Powerhouse ngayong Martes, ika-8 ng gabi sa GMA News TV.