Mons Romulo welcomes 'Powerhouse' to her home
Powerhouse
Mons Romulo
Date of airing: January 28, 2014
8 PM, GMA News TV
Mula sa kilalang angkan, apo ni Carlos P. Romulo at anak ng dating DFA Secretary Alberto Romulo si Monserrat " Mons " Romulo. Bata pa lang ay namulat na sa pulitika pero hindi naging pulitiko.
Nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Mass Communications at nagtrabaho sa RTV Malacanang noong panahon ni Pres. Corazon Aquino. Ipinakita ni Mons ang hand -painted bag niya na mula pa sa dating pangulo. Naniniwala si Mons na sa pamamagitan ng radyo ay maibabahagi niya ang kanyang nalalaman para makatulong sa ibang tao.Writer din si Mons at sumusulat sa lifestyle section ng Philippine Star. Ipinagmamalaki niya ang kanyang kauna- unahang libro na "Baro: Philippine Fabric and Fashion" na nai-publish noong 2003.
Sa lawak na 430 square meters at tatlong palapag , ang bahay ni Mons ay madalas pagdausan ng parties. Lumang bahay ito na ni-renovate sa tulong ng kanyang kaibigan na si Ramon Antonio. Modern contemporary ang tema ng bahay ni Mons. Ang music room ang pinakapaborito na lugar ni Mons sa kanyang bahay dito raw kasi nagaganap ang kanilang prayer meetings at ilang parties. Mahilig din mangolekta si Mons ng mother and child paintings pero nang magtagal ay modern paintings na ang kanyang interes. Ilan sa mga ito ay gawa nina Bencab, Sanso, Malang at Amorsolo.
Noong January 2011 naging maugong ang isyung hiwalayan ng 21-year marriage ni Mons Romulo sa kanyang asawa. Napabayaan niya ang kanyang sarili pero sa tulong ng tatlong anak, pamilya at kaibigan ay bumangon siyang muli at hinarap ang buhay.
Sa ngayon ay Vice Chairman si Mons ng Pink of Life , isang foundarion na nagbibigay ng tulong sa mga babaeng may breast cancer. Nagsimula siyang maging aktibo sa mga charity event at nagbahagi ng kanyang kuwento sa mga babae na pinagdadaanan rin ang naging buhay niya. Siya rin ang naging " First lady ng Pasig " nang hindi pa nag- aasawa ang kanyang kapatid na si Roman.
Samahan si Kara David na silipin ang bahay at katukin ang buhay pag- ibig ni Mons Romulo ngayong Martes sa Powerhouse, ika-8 ng gabi sa GMA News TV.