ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Chinkee Tan on 'Powerhouse'


Powerhouse
Chinkee Tan
Airing date: February 4, 2014
8 PM, GMA News TV-11



Ngayong Martes sa Powerhouse, patutuluyin tayo ng isang matagumpay na negosyante at edu-tainer na si  Chinkee Tan sa kanyang tahanan.  
 
Ferdinand Tan ang kanyang totoong pangalan at nakuha ang screen name na Chinkee Tan kay Randy Santiago nang magsimulang mag-produce ng afternoon discos. 1987 nang pasukin niya ang pag-aartista at naging kilala bilang isa sa Hawi Boys ni Randy. 
 
Kahit na masaya si Chinkee sa pagbibigay ng aliw sa mga manonood ay naisip niya na lumihis muna sa pag-arte at magkaroon ng mas stable na career. 1994 nang tumigil siya sa pag -aartista at bumalik sa retail selling.
 
Halos 36 years na sa selling business si Chinkee. 27 years old siya nang makuha niya ang kanyang first million sa pamamagitan ng direct selling.  
 
Dahil sa matagumpay na pagnenegosyo, hindi malayong makapagpatayo siya ng sariling bahay sa Cainta , Rizal. Modern minimalist ang tema ng bahay ni Chinkee at may kabuuang 600 square meters. Puno ng makukulay at positive quotations ang buong bahay, nakasulat ang mga ito sa hagdan at mga pader. Gusto kasi niya na ibahagi ang positivity sa sinumang papasok sa kanilang bahay. 
 
Maliban sa pagiging matagumpay na negosyante ay isa ring author si Chinkee. 2008 nang i-publish niya ang kanyang kauna-unahang  libro na "Till Debt Do Us Part ". Sa ngayon ay nagbibigay rin ng talks  at seminars bilang life at wealth coach. Sa pamamagitan din ng pagsusulat sa isang pahayagan at pagkakaroon ng tv at radio programs na tumatalakay sa financial wellness ay naibabahagi ni Chinkee ang karanasan niya sa buhay at negosyo. 
 
Samahan si Kara David na silipin ang bahay at buhay ni Chinkee Tan ngayong Martes ng gabi sa Powerhouse, ika-8 ng gabi sa GMA News TV.