ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Hon. Gwen Garcia on 'Powerhouse'
Powerhouse
Hon. Gwendolyn "Gwen" Garcia
3rd District, Cebu
Date of Airing: April 9, 2014
11:15 PM, GMA-7

Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, bubuksan ng kauna-unahang babaeng kinatawan ng ikatlong distrito ng Cebu na si Gwendolyn "Gwen" Garcia ang pinto ng kanyang ancestral house at beach house sa Cebu.
Mga antigong gamit na mula pa sa mga ninuno ni Gwen ang makikita sa loob ng kanyang bahay. Ilan lang sa mga ito ay isang lumang dresser, gramophone, piano, at wooden sculptures na gawa pa ng national artist na si Napoleon Abueva. May sariling prayer room din ang kanyang bahay. Kilala kasi si Gwen na deboto ng Sto. Nino. Sa katunayan, siyam na taon na siyang sumasayaw tuwing Sinulog sa Cebu.

Ipakikita rin ni Gwen ang kanilang beach house sa Dumanjog, Cebu. Dito raw siya namamalagi kapag gusto niya ng katahimikan sa ingay ng pulitika.
Naging matunog ang kanyang pangalan noong 2012 nang magmatigas siya laban sa suspensiyong inihain ng Malacañang laban sa kanya bilang Gobernador ng Cebu. Nagsagawa siya ng “stay-in" protest kung saan namalagi siya ng 42 araw sa loob ng kanyang opisina at sinabing pulitika ang nasa likod ng pagsususpende sa kanya. Kalahating taon mang nawala sa pwesto, nakabalik naman siya ilang araw matapos ang kanyang ikatlong termino. At noong nakaraang eleksyon, tumakbo at nanalo siyang muli bilang kinatawan naman ng ikatlong distrito ng probinsya.
Samahan si Kara David na makipagkwentuhan sa isa sa itinuturing na powerful women ng Cebu. Mapapanood ang Powerhouse ngayong Miyerkules, 11:15 PM pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

More Videos
Most Popular