ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Gary David on 'Powerhouse'
Powerhouse
Gary David
May 21, 2014
11:15 PM, GMA-7

Kilala siya sa tawag na “El Granada" dahil sa mga pasabog niyang puntos. Siya rin si Mr. Pure Energy dahil sa liksi at bilis niya sa court. Kilalanin ang shooting guard ng Meralco Bolts na si Gary David ngayong Miyerkules sa "Powerhouse."
Friday the13th nang isinilang si Gary kaya marami raw ang nagsasabi na malas siya. Pero may isang matandang nagsabi sa kanya na ang unang ngipin niyang tumubo sa itaas ay may ibang kahulugan na balang araw ay titingalain daw siya.
Laki sa bukid at taga-suga ng kambing si Gary. Pangarap niyang makagamit ng kubyertos sa hapag kainan dahil ang mga mayayaman lang daw ang gumagamit ng mga ito. Pangarap niyang maka-ahon sa kahirapan at makapaglaro ng basketball sa PBA. Gayunpaman, inuna niya muna ang pagtatrabaho sa bukid bago ang pagpunta sa court para maglaro .
Ikukuwento ni Gary kung paano niya nasalo ang tagumpay sa paglalaro ng basketball. Mula sa pagiging varsity sa isang unibersidad hanggang sa pagiging MVP ng PBL, nagtuloy-tuloy na ang pagtahak ni Gary sa kanyang pangarap na maging professional basketball player sa PBA.
Sa paglalaro ng basketball ay natupad ni Gary na magkaroon ng sariling bahay. Taong 2011 nang lumipat ang kanyang pamilya sa isang tatlong palapag na townhouse. Mas napili raw niya na tumira rito dahil sa seguridad ng kanyang pamilya. Ang asawa niyang si Jenny ang nagplano sa interior ng buong bahay.
Ang pinakapaborito raw ni Gary na parte ng kaniyang tahanan ay ang kusina. Madalas daw kasi siyang magluto para sa kanyang pamilya. Matitikman ni Kara ang ipinagmamalaki ni Gary na kare- kare. Sa sulok ng sala naman makikita ang ilang tropeo at awards na nakuha ni Gary sa pagba-basketball. Kapansin-pansin din ang isang frame na puno ng paa nilang mag-anak. Ano nga ba ang kahulugan nito sa buhay niya?
Samahan si Kara David na libutin ang bahay at alamin ang sikreto ng tagumpay ng basketbolistang si Gary David ngayong Miyerkules ng gabi sa "Powerhouse," pagkatapos ng "Saksi."

More Videos
Most Popular