ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Powerhouse': Rebecca Bustamante, Pinay DH na naging CEO

POWERHOUSE
REBECCA BUSTAMANTE, PINAY DH NA NAGING CEO
Date of Airing: July 9, 2014
Simple lang ang payo ng dating Pinay domestic helper na ngayon ay CEO o Chief Executive Officer na ng sarili niyang kumpanya: “If you want to be successful, it's important to continue learning, continue developing your skills. That's the reason why I never stop studying."
Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, samahan ang award-winning journalist na si Kara David na kilalanin at alamin ang pambihirang kwento ng tagumpay ni Rebecca Bustamante.


Bata pa lamang si Rebecca ay masipag na siya sa pagbebenta ng isda, pandesal, ice candy, at ice buko. Sampung taon siya nang mamasukang katulong pero wala raw siyang sinusuweldo noon. Kapalit ng pagiging kasambahay ay ang pagpapa-aral sa kanya ng kanyang amo.
Labingsiyam na taong gulang siya nang maging domestic helper sa Singapore pero wala raw sa bokabularyo niya ang mga salitang “day off.” Imbes na maglamyerda, isiningit ni Rebecca ang pag-aaral ng Accountacy. Ang naipon niyang pera sa pagiging domestic helper ang ginamit niyang pamasahe papuntang Canada kung saan tinapos naman niya ang kanyang Graduate Studies sa Accounting.


Nagtayo siya ng recruitment agency sa Canada sa mga gustong maging caregiver. Di kalaunan, umuwi siya sa Pilipinas at nagtayo naman ng kumpanya--ang Chalre Associates para sa mga Pilipinong gustong maging manager.
2013 nang nabili ni Rebecca ang kanilang bahay sa Parañaque. Mediterranean at tropical ang tema ng kanilang tahanan. May pitong kuwarto, lanai, at sarili itong swimming pool.
Bagamat milyonarya na siya ngayon, wala pa ring katulong si Rebecca. Siya mismo ang nag-aasikaso ng mga gawaing bahay.

Huwag palalampasin ang kwento kung paano binago ng isang dating kasambahay ang kanyang kapalaran para magtagumpay sa buhay.
Mapapanood ang Powerhouse ngayong Miyerkules, alas kwatro ng hapon sa GMA.
More Videos
Most Popular