ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
POWERHOUSE Senator Tito Sotto At Helen Gamboa

POWERHOUSE
SENATOR TITO SOTTO AT HELEN GAMBOA
Date of Airing: August 20, 2014
Araw-araw may buffet na kainan daw sa kanilang kusina kaya naman dinarayo ito ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Ano naman kaya ang recipe ng kanilang apatnapu’t tatlong taong pagsasama?
Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, samahan ang award-winning journalist na si Kara David na pasukin ang bahay at buhay ng mag-asawang sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.
Sa isang exclusive subdivision sa Quezon City nakatira sina Tito at Helen. Elegante at puti ang prominenteng kulay ng buong kabahayan. Ideya raw lahat ito ni Helen at siya rin mismo ang nag -aayos ng mga bulaklak sa kanilang tahanan . Sa katunayan ay nagpapabili pa siya ng mga sariwang bulaklak lingo-lingo. Marami ring paintings ang buong bahay at ang ilan dito obra ni Helen.
Iba naman ang personalidad ng kanilang powder room na zebra ang tema. Komportable raw dito at pwedeng tumambay para magkwentuhan pero ang pinakapaborito nilang bahagi ng kanilang bahay ay ang kusina. Mahilig kasi magluto si Helen kaya naman piyesta raw dito araw-araw. Kare-kare, menudo, at adobo ang ilan lang sa paborito ni Tito.
Pagkain nga ba ang bumihag sa puso ni Tito Sotto? Ano ang secret recipe ng kanilang pagmamahalan?
“Give and take atsaka it helps a lot kapag patay na patay sa iyo ang asawa mo!” Sino nga ba ang patay na patay kanino?
Usaping pag-ibig, pulitika, showbiz, at pag-kain; huwag palalampasin ang Powerhouse ngayong Miyerkules, alas kwatro ng hapon sa GMA 7.
More Videos
Most Popular