ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Pagbangon ni Jojo A. 



POWERHOUSE
JOJO A
Date of Airing: August 13, 2014
 
Sumikat. Nalaos. Bumangon.

“It was disapppointing to me dahil wala na akong sweldo. So it was all because of the money not about the fame. So I had to find out kung ano ang gagawin ko ulit to get the money,” ito ang pahayag ng host at komedyante na si Jojo A.

1980 nang sumikat ang grupong "The Tigers." Sila ang naghari sa pagpapakilig sa mga kolehiya na humahanga sa kanilang pagsasayaw. Isa sa mga tigreng iyon si Jojo Alejar na mas kilala ngayon bilang Jojo A. Mula sa pagiging dancer, taong 1986 naman nang mapabilang siya sa sikat na programang That's Entertainment. Pero napansin daw niya na maraming mas pogi sa kanya kaya mas pinili niyang magpatawa at pasukin ang hosting. Nang hindi na naging matunog ang pangalan niya sa showbiz, hindi natinag si Jojo Alejar—pinasok niya ang iba’t ibang trabaho tulad ng pagiging Executive Assistant at Chief-of-Staff ng isang pulitiko at station manager ng isang TV Network.

Sa ngayon, bukod sa hosting abala rin siya sa pagiging isang real estate developer. Nasa negosyong "build and sell" ng bahay si Jojo A.  Na-love at first sight daw ang kanyang misis na si Guia sa isang bahay na kanilang itinayo kaya sa halip na ibenta, sila mismo ang tumira  sa tatlong palapag na bahay sa Antipolo City. Kahit si Jojo A ay na-in love sa preskong hangin at magandang tanawin dito.

Libre na raw ang aircon at may natural na backdrop na raw siya ng kalikasan kaya hindi na niya kailangan pang magsabit ng mga painting. Minimalist ang tema ng bahay dahil mas gusto ni Jojo A na may malayang matatakbuhan ang kanyang apat na anak sa loob ng kanilang tahanan.

Ngayong Miyerkules, huwag palalampasin ang masayang kwentuhan kasama si Jojo A at Kara David sa Powerhouse, alas kwatro ng hapon pagkatapos ng Dading sa GMA 7.
 

 
Tags: powerhouse, jojoa