ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Isko Moreno: "Lumingon sa Pinanggalingan"


POWERHOUSE
VICE MAYOR ISKO MORENO
Date of Airing: September 3, 2014


 
“Lumingon sa pinanggalingan,”  ‘yan ang kaniyang paniniwala sa buhay kaya mas pinili raw niyang itayo ang kanyang bahay sa Tondo kung saan siya lumaki. Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, pasukin ang tahanan ng Vice Mayor ng Manila na si Isko Moreno.

Mula sa barong-barong, isang tatlong palapag na bahay na ngayon ang tinitirhan ni Isko.  Sinadyang hindi pinturahan ang harap ng bahay nila, mas praktikal daw kasi ito dahil hindi madumihin. Sa loob nito, makikita ang pagkahilig niya sa sining dahil sa maraming paintings at sculptures na naka-display pero ang pinakapaborito raw niyang lugar sa kanyang bahay ay ang master’s bedroom, dito kasi makikita ang koleksyon niya ng rosary.

Naging basurero, pedicab driver, at takatak boy si Isko pero nag-iba ang direksyon ng kaniyang buhay nang makapasok siya sa showbiz at pulitika. Matayog ang pangarap ni Isko  sa kanyang karera bilang public servant kahit pa nga marami ang kumukwestiyon sa kanyang kakayahan.

Sa panayam ni Kara David, sasagutin ni Isko ang mga kontrobersyang binabato sa kanya tulad na lang ng  programa ng lungsod sa paghihigpit sa mga bus at truck para lumuwag ang traffic, magsasalita rin siya sa relasyon  niya diumano sa anak ni Mayor Joseph Estrada na naging dahilan ng paghiwalay nito sa asawa.  Pangarap  ni Isko maging mayor ng Manila pero isang bagay lang daw ang makapipigil dito.

Ano kaya ‘yun? Pati ang reaksyon niya sa mga taong tumatawag sa kaniyang  bobo matapang na haharapin ng bise alkalde.

Abangan ang Powerhouse ngayong Miyerkules, alas-kwatro ng hapon sa GMA 7.