ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Giselle Sanchez, ipasisilip ang bahay sa 'Powerhouse'




POWERHOUSE
GISELLE SANCHEZ
Date of Airing: October 1, 2014

 
“Nag-drawing ako ng bahay na puti na may swimming pool, sabi ko sa sarili ko na pagtungtong ko ng 30 years old makukuha ko ‘yun.  Totoo pala na kapag iniisip mo, na-a-attract mo ‘yung magandang kapalaran,” ito ang pahayag ng komedyanang si Giselle Sanchez. Ngayong  Miyerkules sa Powerhouse, alamin kung paano niya nakamit ang pangarap na bahay at swimming pool.

Hindi biro ang pinagdaanan ni Giselle para makamit ang tagumpay sa showbiz. Iskolar siya sa isang all girls private school pero hindi siya nahiya na magtinda ng pagkain at mag-tutor para maipandagdag sa baon niya. Dahil sa kanyang talento sa pagpapatawa, naabot niya ang kanyang mga pangarap pati na ang kanyang dream house.

Sa isang subdivision sa Quezon City matatagpuan ang apat na palapag na bahay ni Giselle na minimalist ang tema.  May koleksyon siya ng mga snow globe mula sa iba’t ibang bansang napuntahan  niya. Isa sa pinakapaborito niyang gamit ay ang accent chair sa kanilang sala. Hindi raw ito for sale pero talagang nagpumilit siya at kahit na buntis ay lumuhod sa furniture designer para lang ibenta sa kanya.

Ipasisilip din ni Giselle ang master's bedroom nilang mag-asawa kung saan matatagpuan ang walk-in closet na halos mapuno ng koleksyon niyang bags at mga damit. Sa tuktok ng kanyang bahay naman ay may altar si Giselle na para sa kanya ay ang pinaka-espesyal na lugar sa kanyang bahay.

Samahan si Kara David sa isang masayang kuwentuhan kasama si Giselle Sanchez ngayong Miyerkules sa Powerhouse, 4:35PM pagkatapos ng May Queen sa GMA-7.