ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Riches to rags to riches again na kuwento ni Joey Peña, tampok sa 'Powerhouse'




POWERHOUSE
JOEY PEÑA
Date of Airing: December 10, 2014
 
Nagsimula sa negosyo ng junk shop, may-ari na ng isang hotel sa Boracay. Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, kilalanin ang negosyanteng si Joey Peña.
 
Aminado si Joey na ipinanganak siyang may-kaya sa buhay pero dahil nalulong siya sa bisyo, naranasan niyang maghirap at magsarili. Para makabawi sa pamilya, naisip niyang pasukin ang negosyo ng junk shop. Dito niya napatunayang may pera sa basura.  Mula rito ay nagsunud-sunod na ang kanyang swerte hanggang sa makapagpatayo sila ng isang hotel sa Boracay.
 
Isang bahay din sa isang subdibisyon sa San Juan ang naipatayo ni Joey. Si Architect Noel Gonzales ang nagbihis sa kanyang Victorian-inspired na tahanan na may mga muwebles na pinasadya pa mismo mula sa Italy. Ginto ang prominenteng kulay ng buong bahay na may labing-isang kuwarto.
Alamin ang “magic touch” ng negosyanteng si Joey Peña ngayong Miyerkules sa Powerhouse, 4:35 PM sa GMA-7.