ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Celebrity cosplayer na si Alodia Gosiengfiao, patutuluyin tayo sa kanilang 'Powerhouse'




POWERHOUSE
ALODIA GOSIENGFIAO
Date of Airing: January 14, 2015
 
Witchblade, G.I. Joe, K-On!, Paradise Kiss, Evangelion at Final Fantasy X-2 - ilan lang ito sa mahigit na apatnapung anime, movie,  at video game characters na nagampanan  ng  tinaguriang Cosplay o Costume Play  Queen ng bansa na si Alodia Gosiengfiao.
 
Makulay  ang kanyang personalidad pero iba naman ang tema ng kanilang tahanan dahil puti lang ang napili nilang kulay sa buong kabahayan. Mayroon itong apat na palapag at anim na malalaking kuwarto. Matatanaw ang Antipolo sa  kanilang roof deck. Bukod diyan, mayroon pa itong upper roof deck kung saan matatagpuan naman ang  kanilang swimming pool. 

 


Ipapakita ni Alodia ang kanyang silid na punong-puno ng costume. Ibibida niya rin ang kanyang koleksiyon ng mga mamahaling manyika. Game room din ang tawag niya sa kanyang kuwarto dahil nandito ang lahat ng kanyang gaming consoles at gadgets.
 
Labinlimang taong gulang nang magsimulang mag-cosplay si Alodia. Dahil dito, marami ang dumating na oportunidad sa kanya tulad ng pagiging modelo at recording artist pero first love pa rin daw niya ang pagrampa ng iba’t ibang costume. Sa edad na dalawampu’t anim, isa na siya ngayong multi-awarded cosplayer hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa Japan, Singapore, at Australia.
 
Pasukin ang makulay na mundo ni Alodia Gosiengfiao sa Powerhouse,  Enero 14, 4:35 ng hapon sa GMA-7.