ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Dating 'Hotbabe ng Bayan' na si Maui Taylor, kukumustahin sa 'Powerhouse'


POWERHOUSE
MAUI TAYLOR
Date of Airing: March 25, 2015
Marami ang nagulat nang mula sa pagiging wholesome, nalinya siya sa pagpapaseksi. Kasabay rin nito, mula sa pagiging flat-chested, nagparetoke siya ng dibdib. Binansagan siyang Hotbabe ng Bayan, wala raw siyang pinagsisihan pero ang lahat ng ito bahagi na raw ng kanyang nakaraan. Ngayong Miyerkules, samahan si Kara David pasukin ang bahay at bagong buhay ngayon ni Maui Taylor.
Tatlong buwan pa lamang na nakatira sa kanilang tahanan sina Maui kasama ang kaniyang asawa na si Antonio Sabare na isang negosyante at nagmamay-ari ng isang restaurant.
Puting-puti ang kulay ng buong kabahayan at may minimalist na tema. May apat na kuwarto ito, paborito niya raw sa lahat ay ang kanilang playroom na punong-puno ng wall decals. Ang dating Hotbabe ng Bayan, isa nang hot mommy ngayon sa kaniyang isang taong gulang na anak na si Antoine Miguel.
Matagal nawala sa limelight si Maui pero nagpapasalamat siya nang mapabilang siya sa Korean movie na The Taste of Money. Itinuturing niya itong malaking pagkakataon na maipakita ang kaniyang galing sa pag-arte. Naging nominado ang pelikulang ito sa Cannes Film Festival noong 2012. Pagdating sa kaniyang showbiz career, marami pa raw ang dapat abangan kay Maui.
Samahan sina Kara David at Maui Taylor sa isang masayang kuwentuhan tungkol sa pag-ibig at mga pangarap para sa sarili at pamilya ngayong Miyerkules sa Powerhouse, 4:35 ng hapon sa GMA 7.
Tags: prstory, mauitaylor
More Videos
Most Popular