ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Victorian-inspired na bahay ni Ricky Reyes, ibibida sa 'Powerhouse'




POWERHOUSE
RICKY REYES
Date of Airing: May 20, 2015


Aminado si Ricky Reyes na malaki ang lugi ng salon business niya, karamihan daw kasi dito ay sabay-sabay na nagsara noong isang taon. Sa ngayon ay mahigit 20 salon ang kaniyang pagmamay-ari. Hindi naman daw siya pinanghihinaan ng loob. Hindi raw niya malilimutan na nagsimula lang siya bilang isang tagawalis ng parlor noon. Para sa kanya, ang pagpapaganda ng ibang tao ay itinuturing niyang  personal na misyon sa mundo kaya ipagpapatuloy niya raw ito.

Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, samahan si Kara David na libutin ang ilan sa mga bunga ng pinaghirapan ni Ricky Reyes o mas kilala bilang si Mother Ricky.

Bukod sa kanyang rest house sa Batangas, bubuksan din niya sa mga manonood ang kanyang bagong bahay na Victorian-inspired ang tema. Pinalilibutan ito  ng mga obra ng sikat na mga pintor gaya nina Abueva, HR Ocampo, Sanso, Malang, at ng French Master na si Henry Matisse. Ang  kisame, tiles, at sahig ay pinasadya pa raw ang disenyo at may initials ng pangalan ni Mother Ricky.



Kasama niyang naninirahan dito ang kanyang dalawang anak at ang kanyang partner na si Cris Aguino. Kahit na may sariling kuwarto ang mga anak ay mas gusto pa rin daw nilang magkakatabi sa pagtulog. Paano nga ba bilang magulang ang isang Ricky Reyes? Ibabahagi rin niya ang sikreto ng kanilang pagsasama ni Cris na umabot na ng 39 na taon.

Mapapanood ang Powerhouse ngayong Miyerkules, May 19, 4:35 ng hapon sa GMA 7.‎