ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Shamcey Supsup: From beauty queen to Mrs. Lee
Mapapanood ang Powerhouse tuwing Miyerkules, 4:35 PM sa GMA. Para sa karagdagang impormasyon sa programa, sundan kami sa Facebook at Twitter. Para naman sa impormasyon tungkol sa mga paborito ninyong Public Affairs program, sundan ang GMA Public Affairs.

Sa ginanap na Miss Universe 2011 sa Brazil, itinanghal si Shamcey Supsup na Miss Universe 3rd runner-up. Hindi man niya nasungkit ang korona, nakilala naman siya sa tinaguriang tsunami walk.
Ngunit marahil ang pinakatumatak sa lahat ay ang kaniyang sagot sa Question and Answer portion ng kompetisyon. Matatandaang tinanong siya kung papalitan niya ba ang kaniyang relihiyon para sa lalaking minamahal niya kung saan naging kontrobersyal ang kaniyang sagot.
“I would not change my religion because I love my God who created me," sagot niya. "And if that person truly loves me, [he] should love my God too."
Marami ang nagsasabi na marahil ang konserbatibong sagot na ito ang naging dahilan upang hindi niya maiuwi ang korona. Pero wala naman daw pinagsisihan si Shamcey sa kaniyang naging sagot.
“Ayun talaga ‘yung sagot ko kasi when it was asked nga para bang sabi ko ‘Lord, wow!’ Sa lahat ng questions ‘yun talaga. Alam mo na ‘yung sagot ko dun!”
Aminado siya na nang sumali siya sa mga pageant ay maraming nagbago sa kaniyang buhay. Ngunit hindi niya inakala na ang pagsali niya sa Bb. Pilipinas ang magbibigay daan upang makilala niya ang taong makakasama niya habang buhay.
Meeting Mr. Lee
Nakilala ni Shamcey sa victory party ng Bb. Pilipinas ang mister niya ngayon na si Lloyd Lee. Nagkataong nandoon si Lloyd sa nasabing party dahil ang isa sa mga kandidata ay ang kaniyang pinsan.
Dito, hiningi agad niya ang cellphone number ni Shamcey, ngunit hindi naman ito agad binigay ng dalaga. “Siyempre dalagang Pilipina kunwari! Pero the next day hinanap ko siya sa Facebook.”
Pero para kay Lloyd, talagang love at first sight ang kaniyang naramdaman para sa kay Shamcey dahil unang pagrampa pa lamang daw nito sa stage ay agad nang tumibok ang kaniyang puso.
“Nakita ko na siya isang beses sa TV. Siya ‘yung ini-interview. Sabi ko ang ganda naman ng girl na ‘yun,” kuwento ni Lloyd.
At di nagtagal, naging nag-iisang reyna si Shamcey sa puso ni Lloyd.
Pagsubok sa kanilang pagmamahal
Kung babalikan ang love story nina Shamcey at Lloyd, tila walang makaka-isip na posible silang magkatuluyan dahil mula sila sa magkaibang kultura.
Half-chinese at half-Filipino si Lloyd, at mula sa pamilya ng mga negosyante. Malayo sa buhay reyna, simple at laking probinsya ang nag-iisang anak si Shamcey.
“Tinanong ko siya sa mom ko. Niloloko ko mom ko sabi ko kita mo ‘yung girl na ‘yun, maganda ‘yun. Nakita ko na siya sabi ko kung ‘yan ba niligawan ko papayagan kaya ako ni daddy o papayagan n’yo ako?” pagkukuwento ni Lloyd.
Dahil na rin sa pagiging Chinese ni Lloyd, hindi agad pumayag ang kaniyang mga magulang sa kanilang pagmamahalan ni Shamcey. Sa katunayan, nang nalaman ng kaniyang ama na nililigawan niya si Shamcey, pinakilala siya nito sa ibang mga babae sa pag-asang magbago ang isip.
“He didn't like me talaga at first kasi nga marami siyang pinakilala kay Lloyd nung nalaman niyang he was courting me,” sabi ni Shamcey.
Tunay na pag-ibig ang nagwagi
Ang puso at damdamin ni Lloyd, buong buo na. Kaya’t sa huli, tunay na pag-ibig ang nagwagi.
Kuwento ni Lloyd, nagsilbing daan ang kanilang pananalig sa Diyos upang makumbinsi ang kaniyang mga magulang na si Shamcey na nga ang para sa kaniya.
“Siguro God guided us and gave us the way na susundan namin. It was really smooth after. Everything went God's will!” pagpapaliwanag ni Lloyd.
Noong nakita naman ng kaniyang magulang na talagang hindi na magbabago ang isip ni Lloyd, doon nila ibinigay ang kanilang pagpapala.
Naging maluwag naman ang pagtanggap ng ina ni Shamcey sa pagmamahalan ng dalawa. Kuwento ni Shamcey, sadiyang mahigpit ang kaniyang ina pagdating sa mga kaniyang mga manliligaw ngunit pagdating kay Lloyd, tila walang bakas ng pagkontra.
“Kay Lloyd wala eh! Wala siyang negative comment. Usually strict ‘yan eh,” ani Shamcey.
Marahil kaya panatag ang loob ng kaniyang ina dahil alam niya na sigurado na si Shamcey sa kaniyang lalaking napili. Hindi naman din daw papasok si Shamcey sa isang relasyon kung hindi rin lang ito ang taong makakasama niya hanggang kamatayan. At nang nakilala niya si Lloyd, nakakatiyak siya na sa wakas, natagpuan na niya ang taong sagot sa kaniyang panalangin.
“Parang that time when I met him, everything that I wanted sa list ko of the qualities [na hinahanap ko, nasa kaniya.]”
Pagbuhos ng biyaya
Pagbuhos ng biyaya
December 29, 2013 ikinasal sina Shamcey at Lloyd. Sunod sa paniniwala sa Feng Shui ang petsang kanilang napili. At sa kasalukuyan, magdadalawang taon na silang mag-asawa. Hindi rin tumigil ang buhos ng pagpapala sa kanilang pagsasama. May mga ilan na rin silang negosyong naitayo at tila malakas ang kita ng kanilang restaurant na “Pedro at Coi” na kilala sa kanilang sisig. Kakaiba rin ang disenyo at gimik ng nasabing kainan.
Ang kanilang pagsasama mas lalo pang pagtitibayin ng kanilang paparating na biyaya. Ang kanilang pamilya, madadagdagan pa sa paparating na anak ng mag-asawa. Kasalukuyang siyam na linggo na ang dinadala ni Shamcey sa kaniyang sinapupunan.
More Videos
Most Popular