ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang maningning na bahay at buhay ni Direk Brillante Mendoza, papasukin ng 'Powerhouse'

Masahista, Serbis, Kinatay, at Thy Womb - ilan sa mga pelikulang binigyang buhay ni Direk Brillante Mendoza na naging kontrobersyal pero umani ng papuri at parangal sa loob at labas ng bansa. Kinilala siya bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Best Director honors sa Cannes Film Festival sa France at tinalo pa ang batikang direktor na si Quentin Tarantino. Paano nga ba nagningning ang pangalang Brillante Mendoza sa pamamagitan ng mga pelikulang sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino?

Sa tahanan ng premyadong direktor makikita ang mga inani niyang tagumpay sa paggawa ng mga pelikula. May isang kuwarto na puno ng mga tropeo at parangal. Ipinagmamalaki rin ni Direk Dante ang kanyang bagong nominasyon sa kanyang pelikulang " Taklub" na tungkol sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Ibinahagi rin niya na ang pelikulang "Foster Child" ay hango sa dokumentaryo ni Kara David mismo na napanood niya sa I-Witness.

Dito rin nabubuo ang mga pelikula niyang umani ng parangal sa iba’t ibang sulok ng mundo. May editing room siya sa loob ng bahay kaya hindi siya nalalayo sa kanyang trabaho. Matatagpuan din ang Filmfest Cafe na bukas sa publiko. Very artistic pero minimalist ang tema nito. Nakapaskil din ang posters ng mga pelikula na kanyang nagawa. Madalas ding magpa-film viewing si Direk dito sa cafe. Dati raw itong lugar kung saan siya nagbibigay ng film workshops tuwing summer. Hindi na raw kasi sila nakalalabas para kumain kaya naisipan na rin niyang gawing kainan ito. Iba't ibang putahe raw ang matitikman dito dahil ayaw ni Direk Dante na limitahan ang panlasa ng mga kumakain dito.


Therapy daw ni Direk Brillante ang paghahalaman o gardening. Katunayan, luntiang luntian ang paligid ng kanyang bahay. Sa pag-aayos ng kanyang garden ay nakakapag-isip daw siya ng mga bagong ideya sa paggawa ng pelikula. Ano kaya ang tips ng direktor sa mga gaya niyang mahilig sa halaman?


May mga mensahe rin ang mga premyadong artista na sumailalim sa kanyang direksyon. Abangan kung ano ang masasabi nila tungkol sa award-winning director na si Brillante Mendoza, at pasukin natin ang kanyang modernong bahay kasama si Kara David sa Powerhouse ngayong Miyerkules nang hapon sa GMA.


Tags: pr
More Videos
Most Popular