ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tahanan ni Manny Villar, ipapasilip sa 'Powerhouse'




'Pag sinabing bahay, mawawala ba naman ang pangalang Manny Villar? Paano kaya nangyari na ang isang taga-Tondo na walang sariling tahanan noon ay pinakamalaking homebuilder na sa Southeast Asia ngayon?
 
"Kapag minahal mo ang pera, hindi ka yayaman." Ito ang paninindigan ni Manny Villar sa negosyo maging sa kanyang buhay. Sa net worth na umabot sa $1.5 billion, si Manny ang nasa panlabing tatlong puwesto sa listahan ng Philippines’ 50 Richest ngayong taon ayon sa Forbes Magazine. Paano nga ba tinahak ni Manny ang tagumpay sa pamamagitan lang ng sipag at tiyaga? 
 
Anim na taong gulang pa lamang daw si Manny ay batak na siya sa trabaho. Ang pagtitinda ng isda at hipon sa Divisoria kasama ang kanyang ina ang pinagkakakitaaan nila para matustusan ang pag-aaral ni Manny. Nakapagtapos siya ng kursong Business Admistration at Accountancy at nakapagtrabaho sa mga malalaking kumpanya. 
 
Sa puhunang sampung libong piso ay nakabili si Manny ng chasis  para sa truck na nagdedeliver ng semento sa mga construction site sa Las Pinas. Naengganyo raw na magnegosyo ng pabahay si Manny dahil madali lang daw pala gumawa ng bahay. Tinarget niya ang low downpayment houses at mga kliyente na hindi mayaman. Aniya, ang mahihirap nangangarap din daw na magkabahay. Sa ngayon, nakapagpatayo na raw sila ng 250,000 na bahay para sa mga middle class na pamilyang Pilipino at Overseas Filipino Workers. 
 
Sa Tagaytay City matatagpuan ang rest house ng Pamilya Villar. Swiss ang tema ng luxury properties na ito.  Sa dami ng pine trees na nakapaligid na mula pa raw sa New Zealand, para ka na rin daw nag-Baguio. Mayroon itong veranda o breakfast nook na pinakapaboritong parte ng bahay ni Manny.  Mas artistic daw ang mga painting na makikita rito kumpara sa bahay niya sa Las Pinas at The Fort, pero halaman at garden ang mas gustong ayusin ni Manny. 

 
Samahan si Kara David na libutin ang rest house ng mga Villar sa Tagaytay at kamustahin si Manny Villar halos anim na taon matapos tumakbo at matalo sa pagkapangulo ng Pilipinas. Gaano katagal niyang dinamdam ang kabiguang ito? Tuluyan na nga kaya siyang nakabangon mula sa pagkasawi? Ano ang words of wisdom niya para sa mga nabibigo paminsan-minsan kagaya niya?
 
Alamin ang sagot sa Powerhouse ngayong Miyerkules sa bago nitong oras, 5:20 ng hapon sa GMA.